Dekada '70
ni: Lualhati Bautista
I. Pagkilala sa may - akda
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.
Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.
Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.
II. Mga Tauhan
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagama’t tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagama’t taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng asawa.
Mga Artistang Gumanap
Vilma Santos (bilang Amanda)
Vilma Santos (bilang Amanda)
Maayos na nagampanan ni Vilma ang kanyang papel bilang si Amanda Bartolome. Muli niyang naipakita na kayang-kaya niyang gampanan ang papel bilang isang ina. Hindi ito ang unang beses na nagpakita si Vilma ng magandang pag-arte bilang isang ina. Gumanap na din siya bilang isang ina sa palabas na Anak at naipakita din niya doon na hindi na iba sa kanya ang pagganap bilang isang ina. Kahit na ang makikita nating ekspresiyon sa kanyang mukha bilang Amanda ay halos puro pagiging seryoso, maayos niya iyong naipakita at hindi siya nagkamali sa bawat ekspresiyon o reaksyon na ipinakita niya. Makikita mo sa kanyang pag-arte ang pagiging matatag at palaban na ina ni Amanda.
Christopher De Leon (bilang Julian)
Si Julian ang tumayong haligi ng isang pamilyang nakasanayang magpahayag ng damdamin, kaya nagkaroon siya ng mga anak na mulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan at maganda ang pagkakaganap ni Christopher De Leon sa papel niyang iyon. Naipakita niyang mabuti ang mga katangian ng isang ama at naipakita din niya ng maayos ang mga katangian ni Julian na nabanggit sa nobela. Tama naman ang naging mga ekspresiyon ng kanyang mukha. Kahit man siya gaanong naipapakita sa palabas, maayos niyang nagampanan ang kanyang papel.
Piolo Pascual (bilang Jules)

Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa simula ng palabas ay makikita natin na hindi pa ganoon kabukas ang kanilang isip sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Eskwela, babae at paglilibang pa lamang ang kanilang iniintindi pero ng si Jules ay lumaki, sumapi siya sa isang kilusang kontra sa pamahalaan. Doon naipakita niya ang kanyang pagmamahal at katapatan sa bayan. Kahit na siya’y pinahirapan at pinarusahan ng napakabigat, hindi pa din siya nagsalita at pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig tungkol sa kanyang grupo. Matagumpay na nagampanan ni Piolo ang kanyang papel. Naipakita niya ng maayos ang tunay na katauhan ni Jules. Makikita mo talaga sa kanyang mga ekspresiyon na ang katauhan ni Jules ay talagang palaban at matapang. Lalo na noong siya’y nadakip at pinahihirapan, bakas sa kanyang mukha ang pagiging matatag at pagiging matapat. Noong siya naman ay binisita ng kanyang pamilya sa bilangguan, makikita mo sa kanyang mga mata, noong ipinagmamalaki niya sa kanyang mga magulang na hindi siya nagsalita tungkol sa kanyang grupo, na talagang siya’y may matibay na paninindigan at hindi siya susuko hangga’t siya’y mamatay.
Marvin Agustin (bilang Emman)
Siya ang ikalawang anak ng mag-asawang Amanda at Julian. Naging manunulat at makita siya. Hindi siya gaanong ipinakita sa palabas pero para sa akin ay naipakita niya ang kanyang dapat ipakita. Naipakita niya ng mabuti ang mga katangiang taglay ni Emman. Maayos niyang nagampanan ang kanyang papel.
Carlos Agassi (bilang Isagani)

Sa kanilang magkakapatid, siya ang unang napasubo sa maagang pag-aasawa. Sa pelikula, makikita mo na siya’y palaging may kausap sa telepono at may ginagawa pa siya habang nagtetelepono. Babae nga siguro ang kausap niya kaya at isa siguro iyon sa mga naging dahilan kung bakit siya maagang nakapag-asawa. Siya’y pumunta ng Amerika para sumali sa US Navy kahit na hindi ito sinangayunan ng kanyang mga kapatid. Naipakita lang mabuti ni Carlos Agassi ang pagiging teenager ni Gani pero hindi na masyado nung siya ay na sa US Navy na.
Danilo Barrios (bilang Jason)
Si Jason naman ay ang miyembro ng kanilang pamilya na may pagkatamad ngunit mabait. Kahit na ayaw niyang bumisita sa Kuya Jules niya noong ito’y nasa kulungan, wala siyang nagawa kundi ang sumama at nagkausap pa sila ng Kuya niya doon. Napansin ng kanyang Kuya Jules na si Jason ay parang gusto ng bumilis ang oras para siya’y lumaki na agad-agad at magkaroon ng sariling kalayaan sa pagkilos at paggawa ng kanyang mga gusto. Tama nga ang kanyang kuya. Si Jason nga ay yung tipo na ngayon magaapura sa oras pero pagdating ng panahon eh magbabago din ang isip. Naipakita ng maayos ni Danilo ang katangiang iyon. Bagay na bagay sa kanya ang papel na Jason. Bata pa din siya noon katulad ni Jason kaya angkop talaga ang naging papel niya.
John Wayne Sace (bilang Bingo o Benjamin)
Siya ang bunso sa magkakapatid. Angkop ang pangalang Benjamin sa kanya dahil siya nga ang bunso. Siya ay inosenteng bata pa lamang noong mga panahon na nakikipaglaban na ang kanyang mga kuya sa lipunan. Siya ang nagtanong kung bakit pinakawalan pa ang kalapati dahil baka daw hindi na iyon bumalik. Ang sabi ng kanyang ina na babalik pa ang kalapati dahil wala namang ginagawang masama dito para hindi ito bumalik. Hindi masyadong pinapakita si Bingo sa palabas ngunit maayos na naipakita ni John Wayne ang pagiging inosente ni Bingo.
III. Buod
Ang mga salitang ito’y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali’t demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang dekadang 1970.
Ang nobelang Dekada ’70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahil sa pagkamit nito ng unang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983 kundi dahil sa mapangahas na inilarawan nito ang isang lipunang noo’y nasa bingit ng pagbabago sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago naganap ang tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986.
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People’s Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa’y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada ’70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba’t ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa’t mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari “dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata’t pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan,” wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, “Well honey, it’s a man’s world.”
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao’y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa’y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
“Ang inyong anak ay hindi n’yo anak, Sila’y mga anak na lalaki’t babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama’t pinalaki n’yo,sila’y walang pananagutan sa inyo…” Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do’n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao’y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, “sa pagkakalayo ay may paglalapit din.”
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada ’70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa ‘kin ang Dekada ’70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito’y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70—na dekada ng pagkamulat at pakikibaka—natutunan natin ang aral na ang bawat isa’y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na “isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon”, ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma’y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, “ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”

IV. Aral
Para sa akin, ang mga aral na mapupulot natin ditto sa pelikulang ito ay ang pagmamahal para sa bayan. Makikita natin na ang pagmamahal ni Jules para sa bayan upang makamit ang kalayaan na nararapat sa sambayanan. Hindi dapat ito nililimitahan o kinokontrol ng pamahalaan na ang gusto lang ay kapanyarihan. Tama lang ang ginawa ni Jules dahil ganun din ang ginawa ng ating mga bayani ng ipagtanggol nila ang ating bayan sa mga mananakop. Makikita din natin sa pelikula ang pagkakaroon ng isang matatag ng pamilya. Kahit na si Amanda ay isang palaban na ina at nais niyang mas makilala pa ang kanyang sarili, hindi iyon nakasira sa kanyang pamilya kahit na iba ang idinidikta ng kanyang asawa at ng lipunan noong mga panahon na iyon. Ipinakita sa pelikula na ito ang kahalagahan ng isang ina sa pamilya lalong lalo na sa mga pagkakataong katulad ng na sa pelikula. Lagi nating tatandaan na hinding-hindi ka papabayaan ng iyong ina lalong lalo na tuwing kailangan na kailangan mo siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento