Miyerkules, Hunyo 19, 2013

"Administrasyon ni PNOY maayos ba?"

I. Sa panahon ngayon ang kalagayan ng Pilipinas ay pawang nagbabago naman sa pamamahala ng ating pangulo. Pero marami sa ating mga kababayan ang ayaw o hindi gusto ang pamamahala ni Pangulong Benigno Simeon Cojuango Aquino III maraming nagsasabi na "Administrasyon ni Pnoy maayos ba? Eh bakit maraming mga Pilipino ang walang trabaho?" Isa yan sa mga salitang pumukaw sa kaisipan nating mga Pilipino na dapat pagtuunan ng pansin ng ating Pangulo.

II. Marami na ang nagawa ng ating Pangulo pero marami pa tayong hinanakit sa kanyang administrasyon yung mga pangako niya noong tumatakbo pa siyang bilang Pangulo ng ating bansa ay naisakatuparan niya ba? Bakit maraming kabataan ang hindi nakakapagaral? Kasi kulang sa silid aralan at mga upuan isa rin dapat yan sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng ating Pangulo ngayon kung bakit yung mga kabataan lumalaki ng walang alam.

III. Tayong mga Pilipino hangad natin ang magandang administrasyon o pamamalakad sa ating bansa ang gusto natin mabigyang pansin ang mga bawat pangangailangan ng ating bansa at yun ang responsibilidad ng ating Pangulo na dapat isinasakatuparan na niya alam natin na hindi madali iyon pero kung kanyang bibigyan ng pansin ay matutugunan niya ang pangangailangan nating mga Pilipino maaari siya humingi ng tulong sa kanyang Bise Presidente na si Jejomar "Jojo" Cabauatan Binay at sa mga taong nakaupo ngayon sa senado ano ang kanilang dapat gawin? magkaisa sila para sa ikakaunlad ng ating bansa.

IV. Pero hindi lang dapat sila ang gagawa ng paraan tayo ay maaaring makatulong sa pag unlad ng ating ekonomiya kung tayong lahat ay magkakaisa ay magiging maunlad ang ating bansa. Administrasyon ni Pnoy maganda at maayos ba? Para sa ating mga Pilipino unti unti naman nating nararamdaman ang pagbabago diba? Kung ating susundin ang ating Pangulo gaganda ang takbo ng ating bansa at ekonomiya mga Pilipino halina't magkaisa tayo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento