"ANG NAKALIPAS"
Tanghaling tapat noon ng magising ako at tila bang ginising ako ni haring araw sapagkat nakasentro sa akin ang kanyang sinag. Tinatamad pa ako noong gumising pero kailangan ko ng bumangon sapagkat ako ay papasok na ng Paaralan ito ang una kong pagsabak sa Paaralan medyo may halong kaba at halong galak ang aking nararamdaman ng mga panahong iyon ako ay papasok bilang isang KINDERGARDEN sa isang pampublikong Paaralan sa aming lugar akala ko magiging madali iyon pero hindi pala sa unang pasok ko hindi ko alam ang gagawin maraming pumapasok sa aking isipan halos lahat sila nasa akin ang atensyon. Tinawag ako ng aking Guro upang magkakilala at agad agad naman akong pumunta sa harapan at nagpakilala at sa hindi inaasahang pangyayari ako ay nabulol nagtawanan ang aking mga kaklase at hindi ko alam ang aking gagawin UUWI BA AKO? UUPO NALANG SA ISANG TABI? IIYAK? o MAGPAPANGGAP NA HINDI SILA NARIRINIG AT NAKIKITA? yan ang mga salitang umiikot sa aking isipan.
4:00PM na nang hapon noon at uwian na namin masaya ako noon pero ang aking mga kaklase ay nakatingin parin sa akin para bang pinagtatawanan nila ako at may pagkakataong tinutukso rin nila ako nagtagal iyon at dumating sa punto na ayaw ko ng pumasok sinabi ko yun sa aking mga magulang na MA! PA! AYOKO NA PO PUMASOK!! Huhuhu may halong lungkot at iyak ang naramdaman ko nun. Pero sabi sa akin ng aking INAY na "Nak, kung ano ang nararamdaman mo ngayon ay napagdaanan ko rin noon huwag kang sususko at tibayan mo lang ang iyong loob". Ilang araw din akong lumiban sa aming klase at nagmukmok sa aking sariling kwarto at isang araw napagtanto ko na tama pala ang aking INAY, tinibayan ko ang aking loob at buong lakas kong hinarap ang mga kaklase ko at pinatunayan ko sa kanila na kahit anong panunukso ang gawin nila sa akin ay hindi ako magpapadala sa kanila lumipas ang ilang araw at buwan naging kaibigan ko na ang aking mga kaklase at naging malapit kami sa isa't - isa ito ang kadahilanan kung bakit ako MAKAPAGTAPOS NG KINDERGARDEN NA MAY MEDALYA AT PAPURING NATANGGAP naging proud sa akin ang akin Guro, Kamag aral , at lalo na ang aking Magulang....
Naging masaya ako sapagkat nalagpasan ko lahat ng mga pagsubok na dumaan sa aking buhay ito ay sa tulong ng aking mga magulang, Alam ko na mas marami pang pagsubok ang dadaan sa aking buhay pero pinapangako ko na hinding hindi ako magpapadala sa mga ito gagawin ko ang lahat maabot lang ang aking mga Pangarap sa buhay at ito ay matatawag ko na "ANG NAKALIPAS" na nagbigay sa akin ng aral na hindi ko makakalimutan. BOWW!! :D MalaMMK sa haba noh? Pasensya na po nasarapan eh. :))
"IF YOU DREAM IT YOU CAN ACHIEVE IT"

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento